Proben

“Kain po! Ate, kuya! Proben po! Bagong luto at mainit-init pa!”

Ito ang isa sa mga linyang kadalasan mong maririnig sa tuwing ika’y maglalakad sa mga pampublikong lugar tulad ng parke at palengke. Ngunit ano nga ba ang proben? Saan ito gawa at bakit tila tinatangkilik ito ng karamihan sa atin? Sabay-sabay nating alamin at kilalanin pa ang pagkain na binansagang, Proben.

tumblr_inline_ndlhk5u0TU1qaqk32.jpgProben o Proven

Ang proben o proven ay gawa sa isang parte o laman-loob ng manok na kung tawagin ay proventriculus, dito rin tiyak nagmula ang pangalang ito. Ito ay ibinabalot sa harina o corn starch, pinipirito at pagkatapos ay tutuhugin gamit ang mga stick. Ang pagkaing ito ay niluluto sa mga mobile carts kung saan inihahandog ito ng mainit sa mga tao. Maaari mo rin itong isaw-saw sa suka na hinaluan ng sibuyas at sili o kaya naman ay sa gravy. Popular ang proben partikular na sa mga lalawigan ng Cagayan, Cebu, Quezon at Bulacan.

PahiyasTour20100515188.jpg

Ang proben ay isang kilalang street food sa Pilipinas, kasama ng mga tulad ng fishball, kwek-kwek at isaw. Patok na patok ito sa mga Pilipino, lalong lalo na sa mga estudyante na limitado lang ang budyet. Sa halagang P5 kada stick, ay makakakain ka na ng apat na piraso ng proben, samahan mo lamang ng palamig at kumpleto na ang merienda. Subalit hinay-hinay lang sa pagkain nito dahil talaga namang mamantika at mataas sa cholesterol. Siguraduhin ding malinis at ligtas ang pinagbibilhan ng proben, maging matalas ang paningin sa paraan ng pagluto at sa mga mismong nagbebenta nito. Dagdag pa dito, kumain lamang ng proben na bagong luto upang lalong makaiwas sa kontaminasyon.

Isang paalala lamang, masayang mag-enjoy sa pagkain, ngunit mas masayang mag-enjoy kapag ligtas ang kinakain.

 

Mga pinagkuhanan:

Unang Litrato, Ikalawang Litrato

 

Ipinasa ni: Jose Paolo S. Diadula
Baitang at Seksyon: XI-SNTG
Copyright © 2018, paoandproben all rights reserved.

 

 

Leave a comment